YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 26, 2014

Pagbabanta ng isang chef ng isang bar, inereklamo sa Boracay PNP

Posted August 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nauwi sa Barangay justice system ang reklamo tungkol sa pagbabanta ng isang chef ng isang bar sa Boracay.

Napag-alamang unang idinulog sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nitong Linggo ng hapon ang reklamo laban sa chef.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, pinagbantaan ng chef sa pamamagitan ng text at tawag sa cell phone na papatayin ang nagrereklamong babae at lalaki.

Lalo pang bumigat ang reklamo laban sa chef nang makita din umano siya ng landlady ng mga nagrereklamo na may dalang baril at nanghahamon pa ng away.

Samantala, nakatakda namang dinggin ng Barangay Balabag ang nasabing kaso kung saan residente ang mga ito.

No comments:

Post a Comment