YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 28, 2014

Mga E-trike sa Boracay kailangan nang dumaan sa accreditation ng LGU Malay

Posted August 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kailangan na umanong dumaan sa accreditation ng LGU Malay ang lahat ng mga nag-ooperate at mag o-operate ng E-trike sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Vice mayor Wilbec Gelito sa ginanap na ika-25th SB Session ng Malay nitong nakaraang araw ng Martes.

Aniya, isang resolusyon ang kanilang gagawin para sa application ng mga E-trike for accreditation kung saan meron silang standard na kailangang sundin ng mga ito.
Samantala, kailangang masunod ng lahat ng kumpanya ng E-trike sa Boracay ang design na nais ng LGU gayon din kailangan itong komportableng sakyan ng mga pasahero.

Nabatid na humihiling din ngayon ang Tojo motors ng application para sa accreditation bilang isang supplier ng E-trike unit sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment