YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 27, 2014

Mga Korean tour guides na umano’y hinarass ng TREU sa Boracay, hindi pa dumulog sa DOT

Posted August 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hindi pa umano nakadulog sa tanggapan ng Department of Tourism (DOT) ang mga Korean tour guides na umano’y hinarass ng TREU.

Ito ang kinumpirma ni DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete.

Anya, kung sakaling dumulog man at humingi ng tulong ang mga nasabing Korean tour guides ay bukas ang kanilang tanggapan para dito.

Makikipag-ugnayan din umano ang DOT sa lokal na pamahalaan para matulungan ang mga turista lalo na’t kung may paglabag sa kanilang karapatang pantao.

Samantala, nabatid rin na ipinatawag ng SB Malay ang Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) para sa isang committee hearing.

Ito’y matapos na kumpirmahin mismo ni SB Member Rowen Aguirre sa kaniyang privilege speech sa mga nakaraang session na nakatanggap siya ng ilang reklamo dahil sa umano’y maling pagtrato sa mga foreign tour guide.

No comments:

Post a Comment