YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 13, 2013

Seedling production activity at Family Day ng LGU Malay, tagumpay na naidaos kahapon

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Tagumpay na naidaos kahapon ang programa ng LGU Malay kasabay sa pagdiriwang araw ng kalayaan o Independence Day.

Bilang isa sa mga dumalo sa nasabing programa, sinabi ni DOT Officer in Charge Tim Ticar na naging maayos ang kanilang seedling production activity sa Barangay Nabaoy na nagsimula bandang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 kahapon ng hapon.

Layunin umano ng programang ito na mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan sa Bayan ng Malay, na may kaugnayan din sa pagdiriwang ng ika-64 na anibersaryo ng Malay sa darating na Biyernes.

Pinangunahan naman ni mismong Malay Mayor John Yap ang nasabing aktibidad kasama ang ilang opisyales at mga department heads ng nasabing bayan.

Samantala, sa darating na Hunyo a-15, araw ng Biyernes, ay ipagdidiriwang naman ang 64th Foundation Day ng Malay, na inaasahang magiging makulay dahil sa ibat-ibang programa.

No comments:

Post a Comment