YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 13, 2013

APPO, nakapagtala ng 42 lumabag sa Comelec gun ban

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Nakapagtala ang APPO o Aklan Police Provincial Office ng 42 mga nahulihan ng armas sa ipinatupad na Comelec Gun Ban.

Kasunod ito ng pagtatapos ng apat na buwang election gun bun na ipinatupad ng Comelec para sa kakatapos na eleksyon.

Ayon kay APPO Public Information Officer PO3 Nida Gregas, ilan umano sa mga nahulihan nila ay ang mga security guards at mga civilian.

Dagdag pa nito, mas marami umano ang mga lumabag sa nasabing gun ban ngayon, kaysa noong 2010 elections.

Samantala, ayon pa kay Gregas, itutuloy pa rin nila ang “Oplan Katok”upang palakasin ang pagsugpo sa krimen, kahit tapos na ang gun ban.

Kung maaalala, nagsimulang ipatupad ang gun ban noong Enero a-13 at nagtapos alas-11:59 kagabi.

No comments:

Post a Comment