YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, June 09, 2013

Ika-64th Foundation Anniversary ng bayan ng Malay ipagdidiriwang sa Hunyo 15

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Ipagdiriwang na sa susunod na linggo ang selebrasyon ng ika-64 na kaarawan ng munisipalidad ng Malay.

Ayon kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos, magkakaroon ng ibat-ibang aktibidad ang Local Government Unit ng Malay (LGU) sa ika-12, 14 hanggang sa mismong araw ng Malay Day sa Hunyo a-15.

Ilan umano sa mga aktibidad ay ang pagkakaroon ng Environmental Program sa Hunyo a-12 kung saan lahat ng municipal employees ay kasali sa seedling at polling activities na isinabay naman sa pagdiriwang ng bansa ng Independence Day.

Aniya, mayroon din silang marathon and cycling by transportation unit sa Malay sa Hunyo katorse at pagbibigay parangal sa sampung outstanding tax payers sa bayan ng Malay.

Samantala, sa mismong araw naman sa Hunyo a-15 ay magkakaroon ng misa na susundan naman ng parada at maikling programa.

Magkakaroon din ng mga palaro sa hapon at pagsapit ng gabi ay mayroong grand binayle para sa mga Malaynon.

Inaasahan naman na magiging makulay at masaya ang nasabing selebrasyon dahil sa mga programang inihanda ng LGU.

No comments:

Post a Comment