YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, June 09, 2013

Malay PESO office, magkakaroon ng Job Fair sa Hunyo 14

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Atensyon sa lahat ng mga naghahanap ng trabaho sa bayan ng Malay!

Ang PESO o Public Employment Service office sa bayan ng Malay ay magkakaroon ng Job Pair sa darating na Hunyo katorse taong kasalukuyan.

Ayon kay Malay PESO officer Dennis Briones, taun-taon umano nilang isinasagawa ang nasabing programa, para makapagbigay ng opurtunidad sa mga Malaynon na naghahanap ng trabaho.

Magsisimula ang nasabing Job Fair bandang alas-nuebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon sa Malay covered court, kaugnay sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Malay.

Ayon pa kay Briones, pweding magtungo ang sino mang interesado sa job fair, lalo na ang mga Malaynon.

Pinaalalahanan naman nito ang mga mag-aaply na magdala ng maraming mga resume para magkaroon ng malaking chance na makapasok agad sa mga posible nilang mapagtrabahuhan lalo na sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment