YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 21, 2013

Seminar para sa Employees Compensation Programs ng DOLE, raratsada sa Boracay sa Huwebes

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang seminar para sa Employees Compensation Programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang gaganapin sa Boracay sa Huwebes.

Base sa imbitasyong pinadala ng DOLE Aklan field office kahapon, nabatid na ang nasabing seminar ay naglalayong mabigyan ng ibayong kaalaman ang mga empleyado at mga employer tungkol sa mga mahahalagang programa ng DOLE.

Tatalakayin dito ang mga benepisyong nararapat sa kanila at ang iba pang aktibidad, na pangungunahan mismo ng DOLE 6 Regional Office at ng ECC o Employees' Compensation Commission.

Gaganapin naman sa isang resort sa station 2 Balabag ang nasabing seminar sa buong araw ng Huwebes.

No comments:

Post a Comment