YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 22, 2013

Katawan ng patay na bata, natagpuan sa MRF Manoc-manoc, Boracay

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang patay na katawan ng bata ang natagpuan sa MRF o Material Recovery Facilities sa Manoc-manoc kahapon ng hapon.

Nakalagay na umano sa plastic bag ang nasabing bata nang matagpuan ng isa sa mga nagtatrabaho doon.

Ayon kay Abraham Maming ng MRF Manoc-manoc, tatlong plastic bag umano ang pinagsidlan ng nasabing bata, na noong una’y inakala niyang bituka lamang ng malaking isda.

Subali’t nang ibuhos na umano ang plastic, ay ikinagulat nito nang makita ang katawan ng bata.

Dahilan upang ipinagbigay alam niya ito sa kanilang supervisor.

Samantala, kaagad namang inimbistigahan ng mga taga Boracay PNP at Scene of the Crime Operatives ang nasabing pangyayari.

Kung saan, minarapat muna nilang dinala sa ospital ang katawan ng bata upang ipasuri, bago pinabendisyunan sa simbahan at inilibing.

At habang ginagawa ang balitang ito, ay hindi pa nakukumpirma ng mga otoridad ang edad ng bata.

No comments:

Post a Comment