YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 21, 2013

Mga taga-LGU Malay at mga stakeholders sa Boracay, nagsama-sama sa selebrasyon ng Boracay Day

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng ilunsad ang Boracay Beach Management program.

Ngayong araw, muling nagsama-sama ang mga taga LGU-Malay at mga stakeholders sa isla ng Boracay.

Ito’y upang bigyang daan ang isang napakahalagang kasaysayan sa isla.

Ito ay pag lulunsad naman ng Boracay Day, na sinimulan nitong a uno ng Mayo kasabay ng Fiesta De Obreros sa bayan ng Malay.

Kung saan sa loob ng labing-walong araw, ang mga stakeholders, at pribadong sector,ibat-ibang Department ng pamahalaan at indibidwal ay lumahok sa mga aktibidad kaugnay sa pangangalaga ng isla.

Ayon nga kay DOT officer in charge Tim Ticar, maganda ang idinulot ng Boracay Beach Management sa isla, dahil pinukaw nito ang mga ahensya at indibidwal na makibahagi sa pagtataguyod ng Boracay.

Samantala, pinangunahan naman ng lokal na pamahalaan ng Malay ang selebrasyon ngayong hapon upang kilalanin at bigyang parangal ang mga taos-pusong sumusuporta sa Boracay Beach Management Program.

No comments:

Post a Comment