YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 23, 2013

Oath taking ng mga bagong halal na kandidato sa Malay, sa susunod na buwan pa

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sa susunod na buwan pa ang schedule ng oath taking ng mga bagong halal na kandidato sa bayan ng Malay.

Ayon kay SB secretary Concordia Alcantara, may mga session pang kailangang matapos ang mga kasalukuyang miyembro ng konseho bago ang panunumpa naman ng mga nanalong kandidato.

Ang mga petsa ng mga session na ito ay sa May 28, June 11, 18 at 25 na siya namang pinaka-huli nilang session.

Ang petsa naman umano ng oath taking ay hindi pa nito nakukumpirma dahil pag-uusapan pa ito sa SB kasama ang alkalde.

Sakaling mapagkasunduan na ang tamang petsa, ay isang programa ang gaganapin para dito, sa mismong plaza ng Malay.

Nitong Martes ay ginanap naman ang unang SB Session sa Malay matapos ang 2013 midterm election.

No comments:

Post a Comment