Hindi umano nagkulang ang lokal na pamahalaan ng Malay kung
tulong lamang para sa Boracay National High School ang pag-uusapan dahil lahat
ng kanilang maaaring magagawa ay nagawa na.
Ito ang sinabi ni Sangguniang Bayan Member Esel Flores,
Committee Chairman of Education, sa konseho sa panayam dito may kaunayan sa
problemang nararanasan ng nasabing paaralan na kapag umulan ay kinakansela ang
klase dahil sa pinapasok ito ng tubig baha.
Aniya, lahat ng plano nila para sa paaralang ito ay
naisumite na nila sa Department of Education maging sa National Government pero
hanggang sa ngayon ay wala pa rin.
Dahil kung i-asa umano ito sa LGU Malay lamang, wala naman
umanong sapat na pera ang Malay para ipagawa ng karagdagang mga silid aralan
doon.
Ito ay kahit pa sa kabila ng malaking pundo umano ang
inilaan ng Malay sa edukasyon, pero ang pondo ay napupunta rin sa pasahod ng
apat napung mga guro dito, na kung iisipin ay malaking tulong na umano ito kung
babalikatin ng national government ang pasahod sa apat napung guro sa School
Board na ito, para ang pera sana ng Malay ay maipatayonalang silid aralan.
Samantala, duda naman si Flores kung bakit naantala ang
tulong ng nasyonal government para sa Boracay National High School kung meron
man.
Ito ay dahil baka nagtampo umano ang DepEd dahil sa hindi
naging matagumpay ang Hostel na binalak nilang itayo sa nasabing paaralan.
Ito ay makaraang kwestiyunin ng SB, Barangay at ilang magulang
ng mag-aaralan ang proyekto ito, sa rasong bakit pa kailangan umanahin ang hostel
gayong kulang ang mga silid aralan dito.
No comments:
Post a Comment