Bagama’t hindi na sana saklaw ng mga building ng mga opisyal
sa Boracay ang kaugnay sa iligal na koneksyon sa drainage, sinabi ni Engr.
Elezer Casidsid na minsan na rin nitong nausisa ang hose na na nagmula sa isang
resort sa Balabag station 2 at nagtatapon ng tubig sa drainage gayong bawal ito
dahil wala pa itong direksyon.
Subalit sa pang-uusisa di umano ni Casidsid , nabatid nitong
nakakuha umano ang nasabing resort ng special permit sa LGU Malay upang
makapag-dispatsa ng tubig doon, kung kaya’t ngayong Lunes ay titingnan nito sa
tanggapan ng Alkalde kung totoo ngang may special permit na nakuha ang resort
na ito sa station.
Kaugnay pa dito, nag-aalala din ang Sangguniang Bayan ng
Malay na baka umapaw ang tubig sa kalsada, maliban pa sa pangit pa ito tingnan
para sa mga turista ay nakahambalang pa ito sa kalsada.
No comments:
Post a Comment