Bagamat kahapon dapat sisimulan ang pagsasa-ayos sa drainage
at paglalagay ng Pumping Station sa Lugutan Area sa Manoc-manoc, hindi pa umano
dito natatapos ang plano ng pamahalaan sa lugar na ito upang lubusan na ngang
maiwasan ang pagbaha mula sa main road papasok sa mga interior area dito.
Ayon kay Engr. Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay,
maliban kasi sa pagsasa-ayos sa drainage doon at paglalagayn ng pumping
station, ang Department of Public Work and Highways (DPWH) ay balak na rin umanong i-angat ang kalsada na
ito sa Boracay upang di umapaw o maabot ng tubig.
Ang bagay na ito ayon kay Casidsid ay siyang bagay ding
napag-usapan at nabatid nito mula kay Manoc-manoc Punong Barangay Abram Sualog.
Kaya ang kasalukuyang proyekto umano ng Malay na ito ngayon
ay aasahang masusundan pa kung pagsasa-ayos sa kalsada ang pag-uusapan para
maka-iwas sa pagbaha.
No comments:
Post a Comment