Posibleng ipatawag sa isang Committee Hearing ang Seas Sport
operator o lahat may-ari sa Boracay, kaugnay sa sunod-sunod na kaso ng
insidente at aksidente na naitala bunga ng iba’t ibang aktibidad na ito, tulad
ng parasailing, helmet diving, snorkeling, gayon din pagkalunod at iba pa.
Ito ang inihayag ni Sangguniang Bayang Member Jupiter
Gallenero, chairman ng Committee on Public Safety sa panayam dito, bilang
kaniyang reaksiyon sa usapin.
Aniya, kailangan malaman nila ang sanhi ng insidente at nang
masolusyunan ang katulad na suliranin.
Dapat na rin aniyang silipin kung maayos pa ang mga kagamitan
para sa siguridad ng lahat dahil kapag hindi aniya ito naalagaan, delikado ito
para sa siguridad ng mga turista.
Babalikan din umano nila ang nilalaman ng ordinansa kaugnay
sa operasyong ng helmet diving alituntuning ipinapatupad sa mga sea sports
activities sa isla.
Samantala, nilinaw din nito na hindi nagkulang sa
pagbabantay at pagpapa-alala ang mga Life Guard at Boracay Action Group sa
baybayin ng Boracay para masiguro ang kaligtasan ng mga naliligo lalo pa at
gumagamit naman na umano sila ng Red Flag.
Ang nangyayari lamang umano ay mayroon talagang nagpupumulit
maligo sa apat na kilometro na beach line ng Boracay sa kabila ng ginagawang
paalala sa mga ito.
No comments:
Post a Comment