Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Target ngayon ng Department of Health (DoH) at Department of
Science and Technology (DOST) sa Aklan na bigyan ng ovicidal-larvicidal traps o
OL traps ang mga paaralan sa probinsiya.
Ito ay para sa pagsugpo sa pagdami ng lamok na siyang
nagdadala ng nakakamatay na sakit na dengue.
Ayon kay Jairus Lachica ng DOST Aklan, aasahang makakabalik
pa sila dito sa isla ng Boracay para mamigay ng OL Trap na ito.
Ngunit sa pagkakataong ito hindi na aniya mga pamamahay sa
tatlong Barangay sa isla katulad dati ang target nila kundi mga paaralan na.
Nabatid din mula dito na ang DOH na ang namimili kung saang
lugar mag-uupisa ng pamimibagay ng kit.
Ito ay dahil ang DoH may hawak ng datus ng isang lugar sa
Aklan na kung saan may mga biktima nang naitala.
Samantala, dahil sa buong Aklan ang mabibigyan ng kit na
ito, naniniwala si Lachica na may sapat na sulpay ang probinsiya para sa mga
Aklanon.
Sinabi din nito na ang OL Trap ay libreng ipinamimigay at
walang mabibiling ganito sa mga botika sa buong rehiyon.
Ang OL Trap na ito ay isang kit kung saan inilalagay ito sa
mga lugar na may posibilidad na pamahayan ng mga lamok para dito na mangitlog
sa trap ng sa ganon ay mapatay agad.
No comments:
Post a Comment