Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi naman maaapektuhan ang proyektong circumferential road
sa Boracay kahit pa may pagbabago sa administrasyon ng Department of Public
Works and Highways (DPWH) Aklan District.
Ito ay kasunod ng pagreretiro ni Aklan District Engr.
Roberto Cabigas, kung saan nitong nagdaang Biyernes, Hunyo 15, ang huling araw
nito sa posisyon o trabaho.
Ayon kay Lucille Molas, staff ng DPWH Aklan District, ang
lahat ng mga naiwang trabaho ni Cabigas ay pormal naman nitong ipagkakatiwala sa
kahalili nito na si Asst. District Engr. Abraham Villareal.
Bagamat wala pa umanong turn over ceremony na nangyari,
awtomatiko umanong sasaluhin ang lahat ng mga proyektong naiwan ni Cabigas ng
Acting District Engineer na si Villareal.
Si Cabigas ay nagdeklara ng kaniyang Force Retirement sa
gulang na 62 taong gulang.
Magugunitang sa kasaulukuyan, ang proyektong circumferential
road sa Boracay ay hawak ni Cabigas at DPWH Regional Office, kung saan patuloy
ang nangyayaring negosasyon pagdating sa road right of way.
No comments:
Post a Comment