Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Wala ding posisyon ngayon ang Land Transportation Office o
LTO-Aklan kaugnay sa operasyon ng e-trike sa Boracay.
Maging ang lokal na pamahalaan ng Malay ay walang ding batas
na nag-re-regulate at sumasaklaw sa operasyon ng sasakyang ito.
Kaya sa ngayong ay nananatiling tanong pa rin sa publiko
lalo na sa bahagi ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC)
kung ano nga ba ang totoong estado ng mga unit na ito dahil walang batas na
sumasakop dito.
Sapagkat minsan na rin, ayon kay Sangguniang Bayan Member
Dante Pagsugiron, na idulog nito at itanong sa LTO ang bagay na ito pero wala
ding naisasagot pa ang LTO at hindi rin nila basta huhulihin lang.
Bunsod nito, upang masagot ang mga tanong at isyu kaugnay sa
usaping ito, nagtakda ng isang pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Malay sa
darating na ika-28 ng Hunyo dito sa Boracay.
Ito ay kasabay sa gaganaping presentasyon ng Department of
Energy (DoE) kaunay sa programa ng pamalahaan may kinalaman sa e-trike.
Sa sesyon kasi ng konseho kahapon napuno ng samu’t-saring
reaksiyon mula sa mga konsehal ang usaping ito, bagay na napagpasyahan nila na
itabi na muna ang isyung ito at ipaubaya na lang sa DoE ang pagsagot.
No comments:
Post a Comment