Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nanindigan ang Aklan Electric Cooperative (Akelco) na mas
nauna ang mga poste nila sa Boracay kaysa sa mga straktura o gusali sa isla.
Ito ang inihayag ni Akelco General Manager Chito Peralta
bilang reaksiyon nito sa sunod-sunod na kaso ng insidente ng pagkuryente
kamakailan lamang sa Boracay at ang rason ay aksidenteng pagkakatabig ng mga biktima sa mainline o
linya ng Akelco.
Ganoon pa man, kahit panano umano ay nag-aabot naman sila ng
tulong sa mga biktima depende sa nilalaman ng incident report.
Pero aminado ito na ang bagay katulad nito ay tinututing
nilang suliranin sa ngayong sa isla.
Maliban dito, hayagang sinabi rin ng huli na ang
paglalatagan ng bago at malalaking poste ang mabigat nilang problema sa Boracay
sa kasalukuyan dahil sa walang nagbibigay ng espasyo.
Wala rin umanong kakayahan kasi ang Akelco na i-underground
ang mga linya sapagkat masyadong mahal.
Sa mga aksidenteng katulad ng pagka-kuryente, minsan na rin
umanong nitong sinabi sa lokal na pamahalaan ng Malay na obligahin ang
kontraktor na maglagay ng cable guard kapag ang gusali ay malapit sa linya ng
kooperatiba.
Kaugnay naman sa usaping nakalaylay na mga kalbe sa Boracay,
sinabi nito na hindi lang sa Akelco ang mga wirings kundi ito ay linya din ng
mga telepono at cable.
Kung saan inihayag nito bago paman siya umupo bilang GM ng
Akelco ay may mga kontrata na di umano ang mga kumpaniya ito ng telepono at
cable TV sa kooperatibang ito, hinggil sa pagkakabit nila sa poste ng Akelco.
No comments:
Post a Comment