Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Kampanteng-kampanti ang Malay Municipal Tourism Office (Malay-MTO)
na mahihigitan pa ang isang milyong target na tourist arrival ngayong 2012.
Sapagkat ayon kay Grazel Taunan OIC ng MTO Office sa
Caticlan, sa loob lamang ng walong araw nitong nagdaang Semana Santa, ay nakapagtala
na agad ng mahigit 40,000 na turista ang MTO.
Kung saan nadagdagan ng mahigit tatlung libo ang bilang ng
mga turista, kung ikukumpara noong Mahal na Araw ng taong 2011, na nakapagtala
lamang ng apat naput isang ng libo.
Maliban dito, nitong nagdaang buwan ng Marso ng kasalukuyang
taon ay umakyat din ng 60% ang bilang ng tourist arrival, dahil sa nakapagtala
din agad ng mahigit 100,000 turista, kung ikukumpara sa naitalang pitompu’t
tatlong libo lamang ng Marso ng taong 2011.
Dahil dito, tiwala si Taunan na malalampasan pa ang isang
milyong target na bilang ng tourist arrival sa Boracay ngayong taon, na
inaasahang magiging tuluy-tuloy na hanggang ngayong Summer Season.
No comments:
Post a Comment