Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Taliwas sa naging pahayag ni Atty.
Allen Quimpo dating Kongersita at kasalukuyang Legal Adviser ng probinsiya, nilinaw
ni Dionesio Salme, Pangulo ng Boracay Foundation Incorporated o BFI, na hindi
pa nila na-i-endorso ang proyektong reklamasyon sa Caticlan.
Ayon kay Salme, aminado ang BFI
na tila kumbinsido na rin sila sa nilalaman at mga kahilingan ng konseho nang
i-endorso ng Sangguniang Bayan ng Malay ang proyekto, pero hindi umano ibig
sabihin nito ay pag-i-endorso na rin nila reklamasyon.
Nakakahiya naman umano na sila
na ang nagsampa ng kaso laban sa proyekto at sila din mismo ang mag-i-endorso
nito.
Inihayag din ni Salme na wala pa
sa plano nila ngayong ang mag-withdraw sa kaso.
Samantala, sa kabila ng inihayag
na ito ng Pangulo ng BFI na hindi pa nila na-endurso ang proyekto, sinabi ni
Salme na sa darating na Sabado sa Board Meeting nila ay pag-uusapan ang pinal
na disisyon kung i-endorso nila o hindi.
No comments:
Post a Comment