Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Napanindigan ng Boracay ang pagiging “Party Island of Asia”.
Ito sa kabila ng Biyernes Santo kung saan napanatiling
tahimik ang buong isla dahil sa ordinansang ipinapatupad kaugnay sa pagdiriwang
ng Mahal na Araw, bumawi naman ito pagsapit Sabado ng gabi, dahil sa kaliwa’t
kanang mga party at aktibidad sa front beach na sinabayan din ng mga party
gowers at turista.
Ito’y kasunod ng naging pahayag ni Island Administrator
Glenn Sacapano, na marami at nakapila ang mga event organizer, lamang makakuha
ng permit para sa iba’t-ibang aktibidad na gagawin sa isla.
Gayunpaman, kahit magsisi-uwian na ang ibang mga dayuhang
naririto sa isla matapos na ang Mahal na Araw, nakikinita naman ng Municipal
Tourism Office o MTO na dadagsa pa rin ang mga turista ngayong Summer Season.
Batay sa ulat ng MTO, Chinese ang nangunguna ngayon sa bilang
ng mga turista sa Boracay, na sinundan naman ng Koreans at Taiwanese.
No comments:
Post a Comment