Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Atensyon sa lahat ng mga may balak magtayo ng gusali sa Boracay:
Epektibo nitong ika-31 ng Marso, batay sa ibinabang
Memorandum Order ni Malay Mayor John Yap, mahigpit nang ipinatupad ang pagsuspende o hindi
pagbibigay ng licensing department ng lokal na pamahalaan ng Malay ng Building
Permit sa mga aplikanteng nais magtayo ng gusali sa Boracay.
Ito ang nilinaw ni Malay Municipal Planning Officer Alma
Beliherdo, kung saan dito inilatag ang nilalaman ng Executive Order No. 003
series of 2012 ng alkalde para sa Moratorium ng mga gusali sa Boracay na
magtatagal ng isang taon.
Layunin ng lokal na pamahalaan ng Malay, na habang epektibo
pa ang Moratorium, ay dito nila ipapatupad ang rehabilitasyon sa Boracay, sa
lahat ng aspeto ng isla.
Hindi lamang sa mga gusali at kapaligiran kundi sa iba pang
bagay at serbisyo sa turista para makasabay din ang Boracay sa international
standard.
Samantala, bagamat pangalawang pagkakataon na itong ikinasa
ang Moratorium sa isla, umaasa si Beliherdo at ang alkalde na mapapanindigan at
maisasakatuparan ito sa tulong ng lahat.
No comments:
Post a Comment