YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 11, 2011

Pulis Boracay, sapat na --- PD Defensor


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

“May sapat na pulis sa Boracay.”

Ito ang naging pahayag ni PS/Supt. Cornelio Defensor, Provincial Direction ng Aklan Police.

Bagamat nasa animnapu lamang umano ang pulis dito, ayon kay Defensor, nasa pamamahala naman iyon at naka depende sa pagbigay prayoridad sa mga programa upang mamintina ang katahikan at kaligtasan ng isla.

Naniniwala din ang nasabing director na ang bilang ng pulisya ay sapat na sapagkat marami naman itong katuwang katulad ng Philippine Army, MARICOM, Coast Guard, Municipal Auxiliary Police (MAP), at ibang Volunteer Organization o Force Multiplier, at nasa Hepe na umano ito ng Pulis Boracay kung papano nito mai-organisa gayong iisang lamang ang kanilang mithiin: ang seguriadad at katahimikan sa Boracay.

Samantala, sinabi din ni Cornello na nagpadala na rin aniya ang Aklan Pulis ng karagdagang tao mula sa Provincial Headquarters, ito ay ang isang team para makatulong din sa dito sa isla ngayong Holy Week.

No comments:

Post a Comment