YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 14, 2011

Babae, pinalakol sa bayan ng Makato, Aklan, patay

(Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Sa isang punerarya na lamang minarapat dalhin ng mga otoridad ng Makato PNP ang wala nang buhay na katawan ng isang babae, makaraang pagtatagain ng nakakatandang kapatid nito, gamit ang palakol sa Sitio Awis, Libang , Makato, Aklan.

Kinumpirma ni PO2 Rogelio Tiongson ng Makato PNP ang nasabing insidente at kinilala ang biktimang so Marivic Tayco, sa legal na edad, at ang kwarenta’y tres anyos na suspek na si alyas “Obet” Tayco, pawing residente ng nasabing lugar.

Sinasabing noong Abril a-onse, mag-aalas onse ng tanghali, habang nasa impluwensiya umano ng alak ang suspek nang pagtatagain nito ang kapatid.

Ikinasawi naman ng biktima ang pinsala at sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan dulot ng nasabing insidente.

Nasa kustodiya naman ng Makato PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment