YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 14, 2011

Blood Bank, asahan sa Boracay ngayonng may Red Cross na

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Ngayon may Red Cross na sa Boracay, nilinaw ni Secretary General Ms.Gwendolyn Pang sa panayam ng himpilang ito na hindi lamang pagliligtas ng buhay sa paraan ng pagsagip sa mga hindi inaasahang pagkakataon katulad sa aksidente ang gagawin nila.

Katunayan, kasama sa plano sa pagkakaroon ng Red Cross sa isla ay ang paglalagay ng Blood Bank upang mag-hanap ng dugo dahil sa naiintindihan naman nila na mahirap para sa mga Boracaynon na tumawid pa sa mainland para maghagilap ng dugo.

Maliban dito, sinabi din nito na upang mamentina ng mga volunteers sa kanilang commitment, aasahan aniya ang madalas na pagkakaroon nila ng aktibidad.

No comments:

Post a Comment