YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 27, 2015

Hotel room ng Panameña National sa Boracay, nilooban ng magnanakaw

Posted November 27, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nilooban ang bahayKaluslus ang gumising sa isang Panameña National na ninanakawan ang kanyang inuupang hotel room habang siya ay natutulog sa Sitio Bolabog, Balabag, Malay, Aklan.

Sumbong ng biktimang si Elizabeth Yevtushenko 31- anyos sa Boracay PNP, bigla umano siyang nagising at nakita nito na may isang lalaking tumatangay ng kanyang mga gamit sa loob ng kwarto.

Dito mabilis na sinundan ng biktima ang tumatakas na suspek ngunit bigo niya itong maabutan dahil sa mabilis itong kumaripas ng takbo sa madalim na bahagi ng lugar.

Dahil dito agad na sinuri ng biktima ang kanyang mga gamit at doon nadiskborehan nito na nawawala na ang kanyang Samsung Galaxy Note, Iphone 5, Samsung Galaxy Tab 4, at perang nagkakahalaga ng P2, 500 na nakapatong sa kanyang kama.

Maliban dito tinangay din umano ng magnanakaw ang gamit ng kanyang kaibigan na nakapatong sa sofa na kinabibilangan ng Ipod, Cellphone, Atm card at cash na P2, 000.

Napag-alaman na ginamit ng suspek ang entrance door ng naturang kwarto kung saan ayon sa biktima nakalimutan din niya itong isara bago matulog.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP, sa panibagong kaso ng nakawan sa Boracay.

Karagdagang Sea Ambulance sa Boracay hiniling ni Tirol sa LGU Malay

Posted November 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Para sa mas mabilis na pag-respondi sa mga nangangailangan, hiniling ngayon ni Commodore Leonard Tirol sa LGU Malay ang karagdagang Sea Ambulance para sa Boracay.

Ito’y matapos magkaroon ng sariling Sea Ambulance ang Boracay Action Group (BAG) na binili mismo ni Tirol para sa lahat ng mga pasyenteng kailangang dalhin sa mga pagamutan sa mainland.

Sa panayam ng himpilang ito kay Tirol, hiniling nito kay Mayor John Yap ng Malay na e-release na ang dalawang milyong pesong pondo para sa naturang ambulansya.

Aniya, mas maganda kung dalawa ang sea ambulance para mapabilis ang pagdadala sa mga pasyente sa mga pagamutan na kailangang e-transfer sa ibang ospital sa mainland mula sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito sinabi ni Tirol na ang kanilang sea ambulance ngayon ay mayroong mga naka-standby na nurse ng LGU Malay.

Samantala, maliban sa ambulansyang pandagat mayroong ding ambulansya ang BAG sa Boracay at isa naman sa mainland Malay at mayroon din silang tatlong fire trucks na nag-o -operate ngayon sa isla.

Thursday, November 26, 2015

Mag-iina patay, matapos malunod sa ilog sa Nabas, Aklan

Posted November 26, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  

Image result for nalunodPatay na ng makarating sa Baptist Hospital sa Caticlan Malay, Aklan ang mag-iinang nalunod sa ilog sa Brgy. Unidos bayan ng Nabas kaninang alas 11:30 ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Joyce Baliguat 35- anyos at mga anak nitong si Prince Baliguat 4- anyos at Jodicious Baliguat isang taong gulang.

Kaugnay nito patuloy parin ngayong iniimbestigahan ng mga pulis ang dahilan ng pagkalunod ng mga biktima.

Construction sa Timberland area sa Mt. Luho pinuna sa SB Malay

Posted November 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Timberland area sa boracayPinuna sa Sangguniang Bayan ng Malay nitong 42nd Regular SB Session ng Malay ang ginagawang construction sa Timberland area sa Mt. Luho Boracay.

Sa Privilege hour sinabi ni SB Member Floribar Bautista na bakit hinayaang makapagtayo ng construction sa nasabing area sa kabila na pagkansila ng Flag-T na sinang-ayunan naman ng konseho.

Maliban dito kwinestyon din ni Bautista kung bakit pinayagan ito ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ngayong napupuno na umano ng construction ang mga bundok sa Boracay.

Samantala, dahil dito nakatakdang ipatawag sa susunod na SB Session ng Malay ang DENR CENRO-Boracay, Zoning Office ng Malay at ang Committee on Land Use para talakayin kung sino ang nagbigay ng pahintulot na gumawa ng construction sa mga ipinagbabawal na lugara kagaya ng Timberland area.c

Nagkaalitang MAP at grupo ng Muslim sa Boracay ipapatawag sa SB Session ng Malay

Posted November 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for malay SB SESSIONMainit na tinalakay sa ika-42nd SB Session ng Malay nitong Martes ang tungkol sa nangyaring alitan sa pagitan ng isang MAP member at ng grupo ng Muslim sa Boracay.

Ito ang naging laman ng privilege hour ni SB member Rowen Aguirre matapos ang nangyaring  bangaan ng dalawang grupo nitong nakaraang Sabado kung saan sinita ng MAP ang sinasabing illegal vendor na Muslim sa station 2 beach front.

Dahil dito, ikinalungkot ni Aguirre ang nasabing pangyayari kung saan dalawang beses na umano itong nangyari na nabugbog ang MAP dahil lamang sa paninita sa mga pasaway na vendor sa isla.

Kaugnay nito nagdisisyon si Aguirre at ang buong konseho na ipatawag sa Session ang MAP na umano’y binugbog at ang grupo ng Muslim na kinabibilangan umano ng anim na kalalakihan na sinasabing nambugbog sa MAP member.

Maliban dito ipapatawag din sa nasabing session ang Boracay PNP at ang iba pang Law Enforcers sa Boracay na nag-iimplimenta ng mga kautusan at o ordinansa ng LGU laban sa mga illegal at ambulant vendors sa Boracay.

Samantala, ikinadismaya naman ni SB member Floribar Bautista ang pagkakaroon parin ng mga nasabing illegal vendor sa kabila ng marami namang nagbabantay na law enforcers sa beach area.