Posted August 6, 2018
Arestado sa isinagawang operasyon ng pinagsamang pwersa
ng mga kapulisan ang top 3 most wanted person at high value target drug
personality sa Iloilo sa Sitio Tulubhan, Brgy. ManocManoc kahapon ng hapon.
Kinilala ang wanted na suspek na si Rommel Quidato, 29
-anyos tubong Veterans Village, Iloilo City at temporaryong nakatira sa Sitio
Tulubhan, , Boracay.
Nahaharap sa kasong Violation of Section 5 at 12, Article
2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasong
homicide si Quidato.
Nahuli ang suspek katuwang ang Regional Drug Enforcement
Unit (RDEU) na may warrant of arrest na binaba ni Hon. Judge Victor Gelveson,
presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) branch 36, Iloilo at warrant of
arrest sa kasong homicide na ibinaba ni Hon. Gemma Lyn Tarol , acting presiding
judge, RTC branch 31, Iloilo.
Samantala, wala namang inilaang piyansa ang korte para sa
pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nakatakda itong iturn-over sa Iloilo para sa karampatang
disposisyon.
#YesTheBestBoracayNEWS
No comments:
Post a Comment