Ito ang pahayag ni DILG Regional Director Atty. Anthony
Nuyda matapos malaman ng huli na ang ilang resort sa Boracay ay nagsagawa na ng
anunsyo na sila ay tatanggap na ng bisita sa Oktubre 26, 2018.
Sa huli umanong Inter-Agency meeting na kaniyang
dinaluhan, napagkasunduan na kapag na-kumpleto na ang lahat ng permits at
na-validate na ng DENR ang ECC, ang DOT ay magbibigay ng certification o
accreditation.
Ang DOT accreditation na ito ang magpapatunay na opisyal
ng “compliant” ang isang establisyemento at maaari na itong tumanggap ng
bookings o mag-promote bago ang re-opening ng Boracay.
May mga proseso na dapat pagdaanan para hindi
magkaproblema ang mga turista sa bookings sakaling hindi pahintulutang magbukas
ang isang resort hotel.
Ayon pa kay Nuyda, posibleng i-publish ng Inter-Agency
Task Force at DOT ang listahan ng mga compliant para malaman ng publiko at
turista kung sino ang legal at pwede lang tumanggap ng bisita.
Pero bago nito ay dadaan pa sa masusing pagbeberipika sa
One Stop Shop ang mga isinusumeteng dokumento ng mga negosyante tulad ng LGU
Permits, BFP Certificates at higit sa lahat ang validation ng DENR sa ECC at
compliance sa STP.
Sa pinakahuling datos ng DILG, sa 2,366 na napuntahan ng
inspection team, nasa 314 pa lang ang may kumpletong permits na binigyan na ng
#ISavedBORACAY tarpaulin.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayClosure
No comments:
Post a Comment