Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Libre na at para
na lang sa mga workers ang pagkuha ng Terminal Identification Pass na bahagi ng
implementing rules sa pagpasok at paglabas ng Boracay sa panahon ng closure.
Sa naging panayam kay Jettyport Officer III Jean Montero, nagbaba ng order ang Office the
Governor na wala ng babayaran sa pagkuha ng nasabing ID.
Paalala ni
Pontero na ang mga importanteng dadalhin ng mga empleyado sa pagkuha ng Terminal
Identification Pass ay dalawang 1x1 photo, kahit anong government issued ID at certificate of employment na magpapatunay
na ito ay legal na nagtatrabaho sa Boracay.
Hindi na
kailangan mag-proseso at kumuha ng nabanggit na ID ang mga residente ng isla.
Apela ni Pontero
sa mga workers na pumunta na ngCaticala at Cagban Jetty Port at mag fill-up na ng
application form upang mapadali ang kanilang pagkuha ng naturang Terminal ID
Pass.
Ang mga aplikante
na kukuha ay inaabisohan na i-proseso ito mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko knag hapon kung saan ang
huling araw ng pag-issue nito ay Abril 22.
Kung maaalala,
nag-anunsyo ang pamunuan ng Caticlan at Cagban Jetty Port nitong mga nakaraang
araw na kailangang kumuha ng Terminal Identification Pass na nagkakahalaga ng P
100 ang lahat ng mga papasok at lalabas ng Boracay subalit umani ito ng hindi
magandang feedback sa publiko.
No comments:
Post a Comment