Ni
Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST BORACAY
Tinatayang nasa tatlong-libo ang mga
dumalo sa nasabing pagtitipon na karamihan ay mga residente, mga manggagawa at
representante mula sa iba’t ibang sektor.
Nagsimula ang pulong sa pagbibigay ni
ManocManoc Punong Barangay Chona Gabay ng kanyang State of the Baranggay
Address para malaman ng mga tao kung saan napupunta ang kanilang mga ibinabayad
kasama na ang paglatag ng mga natapos na proyekto ng Barangay.

Sa kabilang banda, naghiyawan naman ang
mga tao ng pabulaanan ni Boracay Water COO/General Manager Mr. Joseph Michael
A. Santos na walang magaganap na shutdown sa kanilang operasyon.

Nagpaalala din sa naturang pulong na
mas maiging pumunta na lamang sa Barangay kung may mga katanungan ng sa gayon
ay maiwasan ang mga haka-haka.
Kaugnay sa mangyayaring closure ng isla,
ayon sa Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), wala pang proper
guidelines at hinihintay pa nila ang contingency plan ng LGU.
Ngayong araw naman ang huling araw para
sa ginagawang validation survey ng MSWDO
ngunit siniguro nila na ang mga kabahayan na hindi nadaanan ay babalikan nila
dahil magkakaroon pa ng validation bago ang Abril 26.
Samantala, sa panghuling mensahe ni
Gabay ibinibigay nito ang kasiguraduhan na anuman ang kanilang matanggap na
tulong ay makakaabot sa mga residente.
No comments:
Post a Comment