YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 20, 2018

Bayan muna at I am Boracay Coalition nagsagawa ng konsultasyon sa mga apektado ng Boracay Closure


Posted April 20, 2018
Yes The Best Boracay NEWS ---- Isang public consultation ang isinagawa ng grupo ng I Am Boracay Coalition na binubuo ng Bagong Alyansang Makabayan, NUPL, at Bayan Muna kahapon ng hapon sa isla ng Boracay.

Image may contain: 4 people, people sitting, table and indoor Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, ang ginawang konsultasyon ay bahagi ng kaniyang pagbalangkas ng House Resolution No. 1806 para imbestigahan sa kongreso ang pagpapasara ng Boracay.

Nais ni Zarate na iparating na hindi lahat ay pumapabor sa closure ng isla dahil malaki ang magiging epekto ng hakbang na ginawa ng gobyerno sa ekonomiya ng probinsya at kabuhayan ng mga maliliit na mamamayan ng Boracay.

Hindi rind daw malinaw at detalyado ang plano ng gobyerno lalo na ng mga ahensya ng DENR, DOT, at DILG.

Ipinunto pa ng I Am Boracay Coalition na lahat ay anunsyo lang at walang pirmadong EO o Executive Order at wala ring inilabas na Presidential Proclamation ang Pangulong Duterte.

Ito rin ang mga katanungan ni Atty. Angelo Guillen ng NUPL na nais malaman ang legal na aspeto ng pagpapasara ng pangulo dahil hindi man lang umano ito nagsagawa ng public consultation.

Ani Guillen, dapat habulin at parusahan ang violators at huwag ng bigyan ng perwisyo ang walang kasalanan lalo na ang mga maliliit at ordinaryong tao na namumuhay sa Boracay.

Balak ngayon ng grupo na dalhin sa kongreso ang sentimyento ng mga dumalo para maimbestigahan at maparating ang tulong mula sa gobyerno na dapat matanggap ng mga apektadong sektor.

Bago nito, nagkaroon muna ng caravan protest ang mga tutol sa “Boracay Closure” na nagsimula sa bayan ng Kalibo hanggang Barangay Caticlan sa Bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment