Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Wala umanong natanggap na sulat o order ang opisina ng
Boracay Island Water Comapany at AKELCO hinggil sa balitang ipapa-shutdown ang
kanilang operasyon sa isla ng Boracay.
Sa pahayag nina Acs Aldaba, Operations Manager ng BIWC at AKELCO Boracay
Sub-Office Manager na si Ching Ocampo, wala umano silang natanggap na kahit
anumang sulat o anumang impormasyon na ipinapahinto ang kanilang operasyon alinsunod
sa pagpapasara ng Boracay sa Abril 26.
Pagsasabi pa ni Aldaba, hindi umano pwedeng ipasara ang
water supply sa isla, dahil marami ang maaapektuhan kapag ipinatupad ito.
Sa kabilang banda, pinabulaan rin ni Ocampo itong balita,
aniya, patuloy parin sila sa pagbibigay ng power supply sa kabila ng ipapasara
ang Boracay.
Magkakaroon lang umano ng power interruption sa oras na
masimulan ang road widening dahil ililipat at aayusin ang mga poste ng kuryente.
Samantala, magbababa naman ang dalawang kompanya ng press
release upang ipaalam sa publiko na walang katotohan na mawawalan ng supply ng
tubig at kuryente sa anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.
No comments:
Post a Comment