Posted February 14, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Ito ang pahayag ng karamihan na miyembro ng Sangguniang
Bayan ng Malay kaugnay sa anim na buwan na ibinigay ng Rodrigo
Duterte upang maayos ang isla ng Boracay.
Ayon kay SB Committee Chairman on Environment Nenette Graf,
oras na para magtulungan at magsagawa na
sila sa LGU-Malay ng aksyon at mga gagawing
hakbang para maisaayos ang problema sa isla.
Ayon kay SB Dante Pagsuguiron, sapat na ang mga ordinansa
ng Malay subalit hindi lang ito nai-implementa ng maayos at wala rin umanong
katotohanan ang sinasabi na may coliform ang isla.
Bagamat nagkaroon ng Task Force na inatasan para suriin
ang mga iligal na kumokonekta sa drainage, ayon kay SB Fromy Bautista ang
pitompu’t-anim na mga violators ay hindi naman naparusahan.
Dagdag pa ni Bautista, may balita rin umano sa isang news
paper na may labing isang establisyemento na lumabag sa kahalintulad na violation subalit
hindi rin nabigyan ng penalidad at pinapabayaan lang.
Dahil dito, umapela si SB Graf na amyendahan ang
ordinansa na naglalayong ipasara agad ang establisyemento at bubuksan o
papayagan lang oras na nag-comply.
Komento naman ni SB Member Lloyd Maming, hindi na umano
kailangan pang gumawa ng panibagong ordinansa dahil marami na ang nahuli sa problemang
ito pero wala namang pinatawan ng parusa.
Ani Maming, kaya umano nagbigay ng anim na buwan ang Pangulong
Duterte dahil hindi ito kayang ayusin pero iginit ni Maming na dapat ipakita at
patunayan ng Malay sa national government na mareresolba itong isyu.
Samantala, ayon kay LGU Executive Assistant IV Rowen
Aguirre ay hindi makatuwiran na ibuntong ang lahat ng sisi sa LGU Malay dahil
may mga pagkukulang din ang ilang ahensya ng gobyerno.
No comments:
Post a Comment