Posted February 16, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Upang mawala na
ang na ginagawa ng mg lady boy sa isla ng Boracay, ipinagutos ngayon ng
Sangguniang Bayan ng Malay na sitahin ito sa tuwing sila ay umaantabay sa
kahabaan ng long beach.
Ayon kay
Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista, dapat sitahin ang mga lady boy at
tanungin kung ano ang kanilang ginagawa dahil nakaka-isturbo na umano ito sa
mga turista dahil ang iba sa mga ito ay sinusundan at kinukulit habang
naglalakad.
Aniya, mawawala
itong lady boy kung may nagbabantay at tumitingin sa kanila sa kahabaan ng long
beach at sa oras umano na mahuli ang mga may iligal na ginagawa maaaring
puntahan ang tinutuluyan ng mga ito, hingan ng ID para makilala at kung walang
maipakita hulihin.
Malaki ang papel
ng Barangay para mahinto ang kalokohan na ginagawa ng mga ito sa isla kung saan
inabisuhan rin ni Bautista ang opisina ng DOT at Malay Tourism Office na makipagtulungan
sa mga pulis para ma-monitor ang hindi
magandang gawain ng mga
“lady boy”.
Komento naman ni Punong
Barangay Hector Casidsid ng Yapak, ang modus naman umano sa kahabaan ng kanilang
area sa Puka Beach ay nakikisabay rin ang mga lady-boy sa pag-sun bathing sa
turista at paunti-unting kinukuha ang kanilang gamit.
Samantala, nag-request
naman si BTAC Chief PSI Jose Mark Anthony Gesulga na kung maaari ay maglay ng office of prosecutor sa bayan ng Malay ito’y upang hindi mahirapan sa pagsampa ng kaso
gayundin ang mga biktima ng iba pang kaso.
Ayon sa hepe, ang
ilang turista ay gahol na sa oras sa pagproseso dahil pumupunta pa sa Kalibo para
i-file ang kaso.
Dahil dito, magre-request ang Sangguniang Bayan sa
Department of Justice na maglagay ng Prosecutor Office sa Malay para sa agarang
pagresolba ng mga kaso.
No comments:
Post a Comment