YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 16, 2018

Identification Card, requirements parin upang makapasok sa Boracay

Posted February 16, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isa parin ngayon sa mga requirements ang magpakita ng ID o Identification Card upang makatawid sa isla ng Boracay.

Ito ang pangunahing napagkasunduan ng komitiba sa ginanap na pagpupulong sa Sangguniang Panlalawigan hinggil sa mga reklamong natatanggap kung ano ang mga patakaran ng Jettyport sa tuwing tatawid papuntang isla.

Sa naturang pagdinig ay iginiit ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang na kailangan pa rin mag-presenta ng ID na magpapatunay kung Aklanon o manggagawa sa Boracay ang mga dadaan sa pantalan.

Sinabi pa ni Maquirang na kinokonsidera rin nila ang pagpapakita ng cedula at kung fluent magsalita ng Aklanon.

Suhestyon naman ni Malay Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista na magkaroon sila ng mga Barangay ID katulad ng ipinapatupad sa Boracay dahil aniya importante ito at makatutulong rin sa mga kabarangayn sa probinsya.

Dinaluhan ito ni Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan Aklan, Stakeholders, Jetty Port Administrator Niven Maquirang, Malay SB Members Frolibar Bautista, Jupiter Gallenero, Dante Pagsuguiron at marami pang iba.

No comments:

Post a Comment