YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 22, 2017

Eco Bricking at Eco Brick Training Workshops sa isla ng Boracay, isinagawa

Posted November 22, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 11 people, people smiling, people sitting, table and indoorIsang maka-kalikasang aktibidad ang inilunsad sa Boracay sa pamamagitan ng Eco Bricking at Eco Brick Training Workshops nitong nakalipas na araw.

Sa panayam sa Co-Founder ng I Love Boracay Movement na si Mark Cabrera, itinayo ang naturang kilusan na kasama ang mga mamamayang may malasakit sa isla para masolusyonan ang hamon sa solid waste management.

Ani Cabrera, ang hamon ay sa segregasyon at ang pagpo-proseso ng mga used plastic bottle kung saan target nito na mag-umpisa sa mga miyembro ng pamilya.

Layun din ng naturang aktibidad na ipalaganap ang alternatibong paraan  sa halip na itapon o ikalat sa paligid.

Nabatid na nagsimula ang eco-brick activity na ito nitong Linggo kung saan dinaluhan ng mga 25 partisipante mula sa Lokal na Pamahalaan ng Malay, 23 mga estudyante mula sa iba’t- ibang paaralan.

Kabilang sa mga sumailalim sa workshop ang mga Community leaders, Philippine Coast Guard, BFI, Goshen School of Technology and Humanities, Greenyard, Supervisor ng Balabag MRF, Central MRF at aasahan pa ang pagdating ng Manoc Manoc Supervisor.

Aasahan pa umano ang mga susunod na yugto ng community workshop na ito.
Pinapaabot naman ni Cabrera sa publiko na kung sino man ang gustong makibahagi na nagmamalasakit sa isla ay ikalulugod nila.

Samatala, ang mga magagawang  Eco-Brick na ito ay pagsasama-samahin bilang pangpalit sa mga Hollow Blocks o maging furnitures ng sa ganun ay mapangalaagaan ang Boracay.

No comments:

Post a Comment