Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Ayon sa biktimang si Nor Asikin Binti Ghazali, 30-anyos,
alas- dyes kagabi habang naka-upo siya sa dalampasigan inilagay niya ang
kanyang bag na naglalaman ng Passport, ID, at cash na P 4, 000 sa buhangin.
Subalit makalipas ng ilang minuto napansin ng biktima na
nawawala na ang kanyang bag na inilagay niya sa kanyang gilid.
Sa pagsisiyasat ng mga kapulisan isang witness na
15-anyos ang nakakita sa pangyayari at sinabi nito na nakita niya ang isang
lalaki na may edad 14-anyos hanggang 15-anyos na kumuha sa bag ng biktima kung
saan sinubukan niya itong sundan papuntang E’mall subalit hindi niya naabutan
ang nasabing magnanakaw.
Samantala, patuloy ang isinasagawang follow – up
operation ng Boracay PNP sa naturang kaso.
No comments:
Post a Comment