Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Hinikayat ng
MDRRMO Malay ang mga residente at empleyado ng ibat-ibang establisyemento sa
Boracay na maki-isa at maging bahagi sa kanilang gagawing aktibidad.
Nabatid na bago
isagawa ang blood letting activity kinakailangan munang suriin ang mga
mag-dodonate kung sila ba ay pasado o hindi.
Kaugnay nito
pinaalalahanan ang mga magdo-donate na bawal mag donate ng dugo ang mga intake
sa puso, nakainom ng alak, walang sapat na tulog, may maintenance na gamot, at
may sipon o ubo.
Samantala,
katuwang sa nasabing aktibidad ang Philippine Red Cross (PRC) Kalibo Chapter sa
pakikipagtulungan din ng iba pang Government Agency sa Boracay.
Ang bloodletting
activity ay magsisimula ng alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa
City Mall Boracay.
Layunin ng
aktibidad na makalikom ng dugo para sa mga pasyenteng nangagailangan nito.
No comments:
Post a Comment