YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 08, 2017

20 million na budget para sa road construction sa Boracay, nasa bidding na

Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Image result for road construction 
Nasa bidding na ang 20 million budget para sa gagawing road construction sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Engr. Murielle Macavinta ng Provincial Engineer Office o PEO matapos siyang makapanayam ng himpilang ito.

Aniya, pino-proseso na nila ang bidding para sa pagsasa-ayos ng mga lubak at baku-bakong kalsadahin lalo na sa mainroad dito sa isla at upang maresolba na ang problema na kinakaharap ng mga motorista at mga Boracaynon.

Kapansin-pansin na kulang sa maintenance ang kalsada at walang asphalt overlay na minsan ay binabaha pa dahilan para takaw disgrasya sa mga dumadaan.

Kaugnay naman sa paglatag at konstruksyon ng sewer pipeline ng mga water utilities sa kalsada , sinabi niya na binigyan nila ito ng pahintulot para sa kanilang expansion o proyekto pero dapat din nila itong sa orihinal na kondisyon.

Habang nagpapatuloy ang BIWC sa expansion ng kanilang sewer line, nag-umpisa na rin ang Boracay Tubi Systems Inc. ng kanilang excavation at pipe laying sa ManocManoc.

Ayon pa sa PEO, inaasahan na masisimulan na ang road construction sa 1st quarter ng taong 2018.

Kung maalala, naging malaking hamon sa pag-usbong ng Boracay ang kakulangan sa imprastraktura dahil na rin sa hindi mapigilang pagdami ng tao at pagpasok ng mga malalaking investor.

No comments:

Post a Comment