Posted October 3, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Agad namang naapula ang nangyaring sunog kagabi sa isang
resort sa Station 2, Balabag,Boracay.
Sa panayam ng himpilang ito kay FO2 John Henry Ildesa,
nakatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen ganap na alas-syete y
medya ng gabi na umanoy may sunog sa
nabanggit na lugar.
Agad naman nila itong nirespondehan, kung saan
napag-alamang ang pinagmulan nito ay exhaust fan.
Ayon kay Ildesa, naiwan umano ng guest na bukas ang
naturang gamit mula alas-nuebe ng umaga hanggang gabi bago tumunog umano ang
kanilang smoke detector kaya agad itong pinuntahan ng sekyu para alamin.
Wala namang naitalang injury sa naturang pangyayari kung
saan ang estimated na danyos nito ay nasa P 1,500.
Katuwang ng Bureau of Fire Boracay sa pagresponde rito
ang BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers, Kabalikat Civicom at
Malay Auxilliary Police.
Samantala, paalala ng grupo ng BFP na maging responsable
ang publiko sa kani-kanilang mga appliances at huwag kalimutan ang mga
nakasaksak na mga kagamitan dahil sa oras na makalimutan ang mga ito ay
maaaring makadulot ng kapahamakan.
No comments:
Post a Comment