Posted October 3, 2017
Ni
Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay
Kabuuang 18 menor de edad ang dinampot
ng mga otoridad sa nagpapatuloy na pagpapatupad ng curfew ordinance sa isla ng
Boracay.
Karamihan sa mga nasampulan ay ang mga
pagala-gala sa beachfront, computer shops, bilyaran at ilan pang mga lugar na
kadalasan ay tinatambayan ng mga teenager.
Kasama ang MSWDO, WCPD at MAP ay
sinusuyod ng mga miyembro ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center ang buong
isla simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw para sa
implementasyon ng Municipal Ordinance 212.
Ayon kay
BTAC Acting Chief PSI Jose Mark Anthony Gesulga, on going parin ang
kanilang isinasagawang pag-iikot at mas tinututukan umano nila ang araw ng Byernes
hanggang Linggo dahil ito umano ang mga araw na maraming bilang ng kabataan ang
lumalabas ng gabi.
Pahayag pa nito ang sinumang may edad dise
otso pababa na mahuhuling pagala-gala mula sa mga nabanggit na oras ay
huhulihin at sasailalim sa seminar ng kalahating araw sa MSWDO kasama ang
magulang para sa first offense samantala papatawan naman ng P 500 at isang araw
na seminar kapag inulit ito sa pangalawang pagkakataon at sa third offense ay
multang P 1, 000 kasabay ng pagkakulong ng mga magulang.
Dagdag pa ni Gesulga, mas pinahigpit pa
ang kanilang pag-momonitor lalo’t ilang petty crimes na rin ang kinasangkutan
ng mga kabataan lalo na sa nakawan at salisi.
Sa impormasyon na natanggap mula sa mga
kapulisan, may kaso ng harassment at pambubugbog sa isang koreano ang naitala
dahil sa pagsingil ng sobra-sobra ng mga sand castle boys lalo na sa mga
turistang nagpapakuha ng picture sa mga sand castle.
Mga minors din ang madalas pagala-gala
at nagtitinda ng mga kung anu-ano sa beachline tuwing hating-gabi.
Magugunitang noong ika 30 ng Setyembre
ng maimplementa ang nasabing curfew kung saan tuloy-tuloy na umano ito para
hindi malihis ng landas ang mga kabataan.
No comments:
Post a Comment