Posted October 4, 2017
Alan Palma Sr.,
YES THE BEST Boracay
Naglabas ngayon ang Department of Interior and Local
Government o DILG ng kalatas na nagbabala hinggil sa bagong modus operandi para
sa Marawi.
Ang seste, magpapakilala ang mga personalidad na ito na kawani
ng gobyerno o DILG na tatawag o magti-text sa bibiktimahin nila para humingi ng
donasyon para sa Marawi.
Ang cash donation daw ay para sa rehabilitasyon ng Marawi
City na sinira ng halos tatlong buwan na bakbakan ng militar at Maute ISIS
group.
Ayon pa sa advisory, para maisakatuparan ang kanilang
panloloko ay sinasabihan nila ang kausap na biktima na ipadala ito sa
pamamagitan ng remittance center.
Maliban dito, nagbabala rin ang DILG na may isa pang
impostor na nagpapanggap at nag-aalok na i-delay ang implementasyon ng
suspension o dismissal sa serbisyo sa kanyang tatawagan na umano’y utos galing
sa Office of the Ombudsman.
Kung sino man ang makakatanggap ng anumang tawag o text
na may kahalintulad na intension ay agad ipaalam sa pinakamalapit na police
station o DILG Office sa lugar.
Ang pa-abiso na ito ay ikinalat na sa lahat ng munisipyo
maging sa barangay level para wala ng mabibiktima ng nasabing modus operandi.
No comments:
Post a Comment