YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 19, 2017

PRC Boracay-Malay Chapter, naghahanda na para sa Million Volunteer Run 4

Posted October 19, 2017

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Nationwide Million Volunteer Run 4Handang-handa na ang Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter sa gaganaping Nationwide Million Volunteer Run 4 ngayong Sabado October 21.

Sa panayam kay OIC PRC Malay-Boracay Chapter Ronaliza Inocencio, itong Million Volunteer Run sa Boracay ay magsisimula sa Station 2 Nigi-Nigi, Beach Resort papunta sa Station 1 beach area ng alas-5 ng umaga.

Dahil sa isa ito sa nag-markang aktibidad ng PRC, puspusan ngayon ang kampanya nila para magpa-rehistro at maging bahagi ng Million Volunteer Run.

Ani pa ni Inocencio, ang mga sumali dito ay may isang taon na Accidental Insurance kung saan ang malilikom na pondo sa kanilang registration ay mapupunta sa mga mangangailangan ng dugo lalo pa at malapit ng matapos ang Blood Collecting Unit ng chapter.

Ayon pa kay Inocencio na ang naturang Volunteer Run ay hindi umano competitive run o fun run sapagkat ito ay isang humanitarian run.

Samantala, inaasahan ding lalahok sa takbuhan ang mga kawani ng ibat-ibang Government Agencies, Department of Education, mga estudyante at pribadong sektor sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment