YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 19, 2017

Boracay PNP, binalaan ang publiko kaugnay sa modus operandi ng ssang Chinese National

Posted October 19, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: screen and laptop
Photo Credit Boracay PNP
Pinag-iingat ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center BTAC ang publiko sa isla ng Boracay.

Ito’y may kaugnayan sa umano’y Modus Operandi ng isang Chinese National na nagbebenta ng  pekeng gadget kung saan nabiktima nito ang isang babae sa loob ng restaurant sa Station 1 Balabag, Boracay.

Sa salaysay ni Dioren Quenn Arboleda, 24-anyos, lumapit ang suspek sa kanila na umiiyak at nagmamakawa na humihingi ng tulong.

Image may contain: phoneTinanong naman ito ng biktima kung ano ang kanyang problema kung saan sumagot ito na kailangan niya ng pera at kasunod nito ay inalok niya ang biktima ng Iphone cellphone na nagkakahalaga ng P 13, 000 at Laptop na P 10, 000.

Dahil sa mabilis na pangyayari napabili ng suspek si Arboleda sa maliit na halaga ng gadget subalit kalaunan ay napag-alaman nito naisahan  siya ng suspek dahil peke pala ang mga ito.

Idinulog ng biktima ang reklamo sa mga pulis ng sa gayon ay maging  alerto ang publiko at hindi na mabiktima ng hindi nakilalang suspek na Chino.

Nagbabala naman ang Boracay PNP na mag-ingat sa ganitong mudos at ipagbigay alam agad sa kanila kung may na-encounter silang ganitong pangyayari upang agad na mahuli ang mga salarin.

No comments:

Post a Comment