YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 19, 2017

Suspek na nagtangkang saksakin ang pulis ng BTAC, timbog

Posted October 19, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Nakapiit ngayon sa kulungan ang suspek na si Benjie Nacino, 34-anyos residente ng Madalag, Aklan at pansamantalang nakatira sa Brgy. ManocManoc matapos nitong tangkang saksaking ang Police Officer ng Boracay Tourist Assistance Center BTAC.

Sa blotter entry ng Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na itong suspek ay nasa ilalim ng nakakalasing na inumin, may hawak na kutsilyo at tila naghahamon ng away sa lugar.

Dahil sa ito ay nagdala ng nerbyos sa mga taong nakatira doon, agad na nirespondihan ng mga pulis ng Boracay PNP ang lugar kung saan nakita nila dito ang suspek na may hawak-hawak na kutsilyo.

Nagpakilala si PO1 Ramon Abalayan Jr. na isa siyang pulis para matigil ang suspek sa kanyang ginagawa subalit tumakbo ito.

Hinabol naman ni Abalaya ang suspek kung saan ng kanya itong nakorner ay tinangka nitong saksakin siya ng talong beses ngunit kanya itong naiwasan.

Attempted Homicide ang ibinigay na kaso sa ginawang insidente ng naturang suspek

No comments:

Post a Comment