Posted August 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Dumating ang
tatlumput limang kandidata ng Miss World Philippines 2017 sa probinsya ng Aklan
kahapon.
Ang mga
nag-gagandahang kandidata ay dumalo sa isang press conference sa Caticlan
pagkatapos na bumaba ang mga ito sa Kalibo International Airport.
Dumiretso agad
ang mga ito sa isla ng Boracay kung saan ngayong araw umano ay magkakaroon sila
ng Beach Activity.
Samantala bukas
araw ng Huwebes August 24 ay magpapatalbugan ang mga ito sa kanilang Swimsuit
Competition na gaganapin sa Savoy Hotel Boracay New Coast.
Isa namang sa inabangan
ay ang pambato ng Aklan na si Candidate Number
6 na si Jona Sweett ng Numancia at nagtapos ng pag-aaral sa
Garcia College of Technology.
Gaganapin ang
Coronation Night sa susunod na buwan September 3 sa Mall of Asia MOA Arena.
No comments:
Post a Comment