Posted August 24, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay

Nag-presenta ang kinatawan ng Aklan DILG na si LGOO-5
Debra Lynn Romero sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay kasama si Mayor
Cawaling at ibang mga empleyado ng LGU upang ipaliwanag kung ano itong CBMS.
Ayon kay Romero, ang Community Base Monitoring System
(CBMS) ay isang data base kung saan makikita o naka-rekord ang regular funds,
financial plan at kung saan mapupunta ang budget at paglalagyan ng budget.
Ayon kay Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron,
maganda umano itong programa subalit hanggang ngayon ang iba namang mga
problema ay hindi parin nasusulosyunan.

Dagdag pa ng alkalde, sa paraang ito ay makikita ang
lahat ng at kung may database ay hindi na mahihirapan sa pag-balangkas
ng budget.
Sumang-ayon naman ang mga department heads ng LGu na
magkaroon ng database para sa budgeting ng mga proyekto ng bayan ng Malay.
Dahil dito, sa susunod na taon pa ito ma-iimplementa
dahil sa kulang na ang budget para sa pagpapatupad nito ngayong taon.
Nabatid na tatlong bayan na sa probinsya ang
nag-iimplementa ng (CBMS).
No comments:
Post a Comment