Posted August 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Naglabas ngayon
ng dalawang Memorandom Order si Malay Mayor Ceciron Cawaling na nag-uutos sa
paghuli sa mga violators at illegal collectors sa snorkeling area ng Boracay.
Sa Memorandom
order No: 88 and 89 Series of 2017,
inatasan nito ang Municipal Agricultures Office, Bantay Dagat, at Maritime
Police na inspeksyunin at dakpin ang mga hindi otorisadong naniningil ng
snorkeling fee sa lugar.
Nakasulat din sa
Memo na ang lahat ng ito ay dapat na i-monitor at inspeksyunin at i-report sa
kanyang opisina sa Centralize MRF para
alam daw nito ang nagyayari sa operation ng snorkeling area.
Dahil dito, nais
ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron na imbitahan ang tatlong
personalidad sa susunod na sesyon upang hingan ng impormasyon hinggil sa
Memorandom Order na ibinababa ni Mayor.
Dagdag pa nito,
may dahilan siya para imbitahan itong tatlong personalidad dahil matagal
na umanong may nag-iisyu ng fake ticket sa snorkeling area.
Itong usapin ay
binuksan ni Pagsaguiron sa 27 th Regular Session kung saan sa tingin ng huli ay
hindi pa rin nasusulusyonan ang nasabing isyu na makailang beses ng tinalakay
sa Sangguniang Bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment