Posted August 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ang Community
Base Monitoring System (CBMS) ay isang data base kung saan makikita o
naka-rekord ang regular funds, financial plan at kung saan mapupunta ang budget
at paglalagyan ng budget.
Itong usapin ay
pinag-usapan noong Martes kung saan i-prenesenta dito ni Aklan DILG LGOO-5
Debra Lynn Romero sa plenaryo kung ano ang CBMS at kung ano ang maitutulong
nito sa bayan ng Malay.
Samantala,
sinang-ayunan naman ni Mayor Cawaling itong database monitoring dahil aniya sa
paraang ito hindi na mahihirapan ang LGU-Malay at madaling matututunan ang mga
opisinang nangangailangan ng budget.
Bagama’t aprubado
na itong proyekto ay sa susunod pang taon ito ma-iimplementa dahil sa kulang na
ang budget para sa pagpapatupad nito ngayong taon.
No comments:
Post a Comment